Connect with us

Mga botante na positibo sa COVID-19, maari pa ring makaboto – COMELEC

Maari pa ring bumoto ang mga botante na may COVID-19 sa May 2022 national and local elections.

National News

Mga botante na positibo sa COVID-19, maari pa ring makaboto – COMELEC

Maari pa ring bumoto ang mga botante na may COVID-19 sa May 2022 national and local elections.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman Sheriff Abas sa deliberations sa panukalang P26.728-billion budget ng poll body.

Ayon kay Abas, gagawa sila ng paraan na magkaroon ng parang isolation center sa bawat polling center kung saan maaring bumoto ang mga COVID-19 positive.

Gayunman, sinabi ni Abas na iba ang magiging kaso para sa poll servers dahil hindi sila maaring magsilbi sa halalan kung positibo sila sa COVID-19.

Sinabi ng COMELEC chairman na nakikipag-ugnayan na sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases para isapinal ang guidelines para sa susunod na eleksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

More in National News

Latest News

To Top