Connect with us

Mga barangay, pinasusumite ng DILG ng mga listahan ng mga unvaccinated resident

Mga barangay, pinasusumite ng DILG ng mga listahan ng mga unvaccinated resident

National News

Mga barangay, pinasusumite ng DILG ng mga listahan ng mga unvaccinated resident

Pinasusumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay ng listahan ng mga hindi pa bakunadong residente.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na nagpalabas si Interior Secretary Eduardo Año ng memorandum circular para magsagawa ng inventory ang lahat ng mga barangay sa buong bansa upang malaman ang mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Sakaling maging available na ang inventory, sinabi ni Malaya na maari ng ipatupad ng mga barangay ang restriksyon sa mga unvaccinated sa pamamagitan ng ordinansa.

Ayon kay Malaya, nag-isyu rin si Año ng kautusan para sa pagpapatupad ng restriksyon sa kilos ng mga unvaccinated. Sa hiwalay na panayam, sinabi ng DILG official na ipapasa ang inventory sa DILG kada buwan.

More in National News

Latest News

To Top