Connect with us

Mga barangay na nasa Granular Lockdown, nadagdagan pa

National News

Mga barangay na nasa Granular Lockdown, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga barangay na isinailalim sa granular lockdown sa Metro Manila.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), umakyat na sa 53 barangay mula sa 6 na lungsod/munisipalidad ang nasa granular lockdown.

Nanguna ang Quezon City Police District (QCPD) sa may pinakamaraming apektadong barangay na umabot sa 38.

Sinundan ito ng Northern Police District (NPD) na may 9 na barangay.

Habang 5 sa Southern Police District (SPD) at 1 sa Eastern Police District (EPD).

Bukas, Setyembre 8 ay iiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila kasabay ng pilot testing ng granular lockdown.

More in National News

Latest News

To Top