Connect with us

Mga barangay chairman na bigong makontrol ang umiiral na pagbabawal sa mga swimming activities, kakasuhan ng DILG

Mga barangay chairman na bigong makontrol ang umiiral na pagbabawal sa mga swimming activities, kakasuhan ng DILG

Metro News

Mga barangay chairman na bigong makontrol ang umiiral na pagbabawal sa mga swimming activities, kakasuhan ng DILG

Responsibilidad ng mga Kapitan ng barangay ang pagmonitor sa umiiral na patakaran na pagbabawal sa swimming activities partikular na sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

 

Ito ay matapos magviral sa social media ang larawan ng Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan dahil sa dami ng taong nag-swimming kahit ipinagbabawal ito batay sa guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF).

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, kakasuhan ng deriliction of duty ang sinumang iresponsableng opisyal ng barangay na hindi gagawin ang kanilang tungkulin.

 

Kaugnay dito, hinihikayat na rin ng DILG ang publiko na mag-report sakaling may makita sila ng kaparehong aktibidad.

 

Tiniyak naman din ni Densing na magkakaroon ng advisory ang DILG na mag-uutos sa mga barangay chairman na magsagawa ng monitoring sa lahat ng paliguan sa National Capital Region (NCR) para maiwasan ang ganitong pangyayari.

More in Metro News

Latest News

To Top