Connect with us

MG520 choppers ng PAF, grounded kasunod ng pagbagsak ng isang unit

MG520 choppers ng PAF, grounded kasunod ng pagbagsak ng isang unit

National News

MG520 choppers ng PAF, grounded kasunod ng pagbagsak ng isang unit

Grounded o hindi muna gagamitin ang mga MG520 attack helicopter ng Philippine Air Force (PAF).

Ang naturang standard operating procedure (SOP) ng PAF ay ginawa kasunod ng pagbagsak ng isang unit nito sa bisinidad ng Getafe, Bohol na ikinamatay ng isang piloto at ikinasugat ng 3 iba pa.

Kinilala ng Getafe Municipal Police Station ang nasawing piloto na si Capt. Aurelios Olana.

Ayon sa inilabas na pahayag ng PAF, alas 9:30, Martes ng umaga, nang mangyari ang aksidente habang nagsasagawa ng “engineering flight”.

“The men and women of the Philippine Air Force, led by the Commanding General, LTGEN ALLEN T PAREDES PAF, deeply grieves the loss of an aircrew who offered his life in the line of duty,” saad ng statement ng PAF.

Tinitiyak naman ng PAF na ang lahat ng lumilipad na air assets nila ay regular na isinasailalim sa istrikto na paginspeskyon bago at matapos ang isang flight mission.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philipines sa mga naulila ng namatay na piloto.

“We send our sincerest condolences to his family, friends, and colleagues as we offer our support in any way we can,” pahayag ni AFP spokesperson MGen. Edgard Arevalo.

Patuloy pang iniimbestigahan ng PAF ang dahilan ng pagbagsak ng naturang chopper.

More in National News

Latest News

To Top