Connect with us

Metro Manila, posibleng isailalim sa MGCQ sa Nobyembre

Hindi imposible na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa Nobyembre.

Metro News

Metro Manila, posibleng isailalim sa MGCQ sa Nobyembre

Hindi imposible na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil sa pababa na ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng sinabi ni Metro Manila Council (MMC) Chairman Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na maari ng ilagay sa MGCQ ang NCR sa susunod na buwan kung mapapanatili ang patuloy na pagbaba ng bilang COVID-19 cases.

Gayunman, sinabi ni Roque na nakasalalay pa rin sa mga mamamayan ang kapalaran ng Metro Manila.

Dagdag pa ng kalihim, walang sinuman ang makakahula kung kailan talaga magpa-flatten ang curve sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases.

Sa ngayon, nakasailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top