Metro Manila GCQ

Metro Manila, posibleng bumalik sa mas mahigpit na community quarantine

Metro News National News

Nagbabala ang palasyo na posibleng ibalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na community quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kung patuloy na tataas ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Gayundin kung mawalan ng critical care capacity sa mga ospital sa lungsod.

Sinabi pa ni Roque na magtuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa para sa kabuhayan ng publiko kung baba at babagal ang paglubo ng kaso ng sakit sa bansa.

Kasabay nito, nilinaw rin ng kalihim na hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyong ubos na ang mga hospital beds sa bansa.

Nilinaw rin nito na nasa 63% at moderate risk pa lang ang critical care utilization sa Metro Manila.

Payo naman ng kalihim sa publiko, maging maagap sa pagsunod sa health protocols upang hindi na babalik sa mas mahigpit na community quarantine ang bansa.