Connect with us

Metro Manila mayors, kakausapin muna bago ipatupad ang mas pinaluwag na age restrictions

Ikokonsulta muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa local chief executives ng National Capital Region (NCR) ang patungkol sa naaprubahan na pagluwag ng age restrictions na payagang makalabas ng kanilang bahay.

National News

Metro Manila mayors, kakausapin muna bago ipatupad ang mas pinaluwag na age restrictions

Ikokonsulta muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa local chief executives ng National Capital Region (NCR) ang patungkol sa naaprubahan na pagluwag ng age restrictions na payagang makalabas ng kanilang bahay.

Sa inilabas na IATF Resolution No. 95, inaprubahan na ng IATF ang rekomendasyon na luwagan pa ang age based restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1, 2021.

Ayon kay Presidentian Sec. Harry Roque,”The Inter-Agency Task Force (IATF) approved the recommendation to relax age-based restrictions for areas placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) beginning February 1, 2021.”

Ibig sabihin, ang lahat ng nasa 10 hanggang 65 taong gulang ay pwedeng lumabas ng bahay.

Pero sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan na, sa mga lugar naman na nasa ilalim ng General Community Quarantine  (GCQ) areas gaya ng Metro Manila, ay isasangguni muna ito sa mga alkalde ng NCR.

Ani Vergeire, maipatutupad lamang ang naturang polisiya sa Metro Manila kung papayag ang mga local chief executives dito.

Paliwanag ni Vergeire, naiiba ang sitwasyon sa NCR dahil itinuturing pa rin itong epicenter sa COVID-19 cases.

Matatandaan, iminungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez na kung maaari, babaan sa 10 taong gulang ang pahihintulutang lumabas ng bahay gayong nakasusunod na rin sa health protocols ang ganitong edad.

Nabanggit din dati ni Acting Secretary Karl Kendrick Chua ng National Economic and Development Authority o NEDA na mananatili pa ring mababa ang consumer demand kapag hindi pa rin papayagan ang paglabas ng mga menor de edad at pahintulutan ang family activities.

Ang unti-unting anilang pagpayag sa mga menor de edad na lumabas ng bahay kasama ang kanilang pamilya ay makatutulong sa recovery ng ekonomiya ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top