Lockdown sa Metro Manila, hindi aprubado ng pangulo

Metro Manila mayors, inirekumenda na manatili sa GCQ ang NCR

Metro News

Napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na irekumenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa General community Quarantine(GCQ) ang National Capital Region (NCR).

Ito ang inihayag ni MMDA  Chair Danny Lim na parte ng Metro Manila Council na binubuo ng lahat ng mayor sa Metro Manila.

Inirekumenda naman ni DENR Secretary at Deputy Chief Implementer  for the Visayas Roy Cimatu na isailalim nalang sa GCQ ang Cebu City.

Ito ay dahil sa bumubuting sitwasyon umano doon gaya ng mas bumagal na doubling rate ng COVID-19 case at mas mababang positivity rate.

Ang Cebu ay kasalukuyang nasa Modified Enhanced Community Quarantine.

Mamayang gabi, nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong community quarantine classifications para sa Agosto 1.