Metro News
Metro Manila, magpapatupad ng curfew hours para sa mga menor de edad
Muling ipatutupad ang curfew hours sa mga menor de edad sa Metro Manila sa gitna ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Ayon kay Metro Manila Council Chairperson Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang curfew hours sa mga may edad 17 taong gulang pababa ay mula 10:00 pm – 4:00 am.
Samantala, sinabi ni Olivarez na wala pang napagkasunduan ang Metro Manila Mayors para sa ipatutupad na curfew hours ng mga adult.