Metro Manila Bagyong Ambo

Metro Manila, itinaas na sa signal no. 1 dahil sa Bagyong Ambo

National News

Patuloy na nagbabanta ang Bagyong Ambo sa Luzon at Visayas.

Huling namataan ng PAGASA si Ambo, as of 11 am ngayong araw, sa layong 140 km Silangan Timog-Silangan ng Catarman, Nothern Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 km/h; gumagalaw ang bagyo pakanluran sa bilis na 15km/h.

Dahil rito, nakataas na sa signal no. 3 ang mga sumusunod na lugar:

Sorsogon, Albay, at Ticao Island Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong), at northern portion ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan, Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, Tarangnan, San Sebastian, Hinabangan)

Makararanas ang mga lugar na nasa signal no. 3 ng malakas hanggang nakakasirang lakas ng hangin sa pagdaan ng bagyo.

Signal no. 2 naman ang mga lugar ng: southern portion ng Quezon (Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Plaridel, Agdangan, Unisan, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Lopez, Caluag, General Luna, Catanauan, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco), Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Burias Island, mainland Masbate, at Marinduque Biliran, at iba pang bahagi ng Samar.

Makararanas naman ang mga lugar na nasa signal no. 2 ng malakas hanggang nakapipinsalang lakas ng hangin sa pagdaan ng bagyo.

Samantala, signal no.1 naman ang Metro Manila at ang mga sumusunod na lugar: Aurora, southern portion ng Nueva Ecija (General Mamerto Natividad, Palayan City, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Isidro, San Antonio, Cabiao, Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, San Leonardo, Peñaranda, Gapan City), Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, the rest of Quezon, Romblon, Bataan, at Pampanga, northern portion ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Jaro, Alangalang, Sta. Fe, Tacloban City, Palo, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, Tolosa, Ormoc City, Matag-ob, Palompon, Merida, Isabel, Albuera, Burauen, Julita, Dulag).