Pinalawig pa ang pagsasailalim sa National Capital Region  (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) simula Agosto 1 hanghang 15.

Metro Manila, ilang lalawigan at syudad, mananatili parin sa GCQ

Metro News National News

Pinalawig pa ang pagsasailalim sa National Capital Region  (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) simula Agosto 1 hanghang 15.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang televised public address na inere ngayong umaga.

Pinaluwagan naman ang quarantine restrictions sa Cebu City at inilagay na sa GCQ matapos itong ilagay sa napaka-striktong health measures sabay pinatutukan ng pangulo kay Environment Secretary Roy Cimatu dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang ibang lugar na isasailalim din sa GCQ ay ang mga sumusunod:

Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion sa Visayas; at Zamboanga City sa Mindanao.

Ilalagay naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang iba pang bahagi ng Pilipinas hanggang Agosto 15.