Metro Manila GCQ

Metro Manila Council, pabor na isailalim na sa GCQ ang NCR

National News

Nagkasundo ang lahat ng alkalde sa Metro Manila na isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region;  kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila simula May 1.

Ito ang naging desisyon ng Metro Manila Council matapos ang kanilang pagpupulong.

Gayunman, kailangan pa ring aprubahan ng Inter Agency Task Force at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakali namang ilagay sa GCQ ang NCR simula sa Hunyo 1 ay mananatiling limitado ang galaw ng nasa buffer zone.

Nasa 75% naman ng work force ng mga government offices ang papayagang makabalik sa trabaho.

Habang hindi pa rin papayagang makabalik sa operasyon ang mga pampublikong transportasyon tulad ng jeep at bus hanggang sa bumaba ang kaso ng COVID-19.