Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, nasa GCQ na simula ngayong araw

National News

Sisimulan na ngayong araw ang pagsasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila  simula ngayong araw hanggang Hunyo 15.

Kasama rin dito ang Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Laguna at Bacoor na parehong mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kabilang din dito ang Davao City, Region 2, Region IV-A, Pangasinan at Albay.

Habang kabilang naman sa mga isasailalim na sa MGCQ ang Ilocos Region, Mimaropa, Bicol, Western Visayas; Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao.

Gayundin ang Zamboanga Peninsula maliban sa Zamboanga City, Davao Region maliban sa Davao city, Soccsksargen.