Meralco Kamara mataas singil

Meralco, pinagpapaliwanag sa Kamara dahil sa mataas na singil sa kuryente

National News

Pinagpapaliwanag ngayon ng House Committee on Energy ang Meralco dahil sa mataas na singil nito sa kuryente.

Katunayan, pinagsusumite ng written explanation ng komite ang kumpanya matapos itong ulanin ng reklamo dahil sa biglaan at napakataas na billing.

Sa naunang paliwanag ng Meralco ibinase anila ang komputasyon sa konsumo sa nakalipas na tatlong buwan na batay sa “full ECQ impact” kumpara sa natanggap nilang bill para sa buwan ng Marso at Abril na nasa “average consumption” lamang.

Ayon naman kay RECOBODA Partylist Rep. Godofredo Guya, kinakailangang magpresenta ang Meralco ng isang comparative analysis at isang simulation para mapatunayan na tama ang kanilang kompyutason.

Kailangan aniya na mapatunayan sa naturang simulation na kung paanong tumaas ang konsumo sa gitna ng ECQ at tag-init.

Nais rin ni Guya na ilabas ng Meralco ang scheduled rates na ginamit nito para i-calculate ang naturang billing.