Connect with us

Media sources sa inihaing kaso laban kay PRRD sa ICC, balewala – Sec. Roque

Nakakuha na ng kopya si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong human rights violation na inihain laban sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).

National News

Media sources sa inihaing kaso laban kay PRRD sa ICC, balewala – Sec. Roque

Nakakuha na ng kopya si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong human rights violation na inihain laban sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tila binalewala lang aniya ito ni Pangulong Duterte dahil karamihan sa mga ebidensiya ay puro media resources, na hindi aniya kailanman tatayo laban sa pangulo.

Pangunahing salarin dito ang mga pulis na nagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga na nauna nang itinanggi ng pamahalaan.

Una nang sinabi ni Roque na ligal at lehitimo ang lahat ng operasyon ng Philippine National Police (PNP).

Bagay na hindi ito matanggap ng mga taga-oposisyon kung kaya’t iniakyat ito sa ICC.

Nito lamang lunes nang sabihin ni Secretary Roque na natanggap ni Pangulong Duterte ang 52 pahinang kopya ng kaso ng ICC laban sa kanya.

Pero nang makita aniya ito ng pangulo, hindi na sila nagtaka kung bakit hindi tatayo bilang matibay na ebidensiya ng paratang sa presidente dahil puro media clippings lamang ang basehan nito na galing sa Rappler, ABS-CBN at Inquirer na pawang hindi pabor sa kasalukuyang administrasyon.

Nanindigan si Roque na bagama’t maaaring umusad ang kaso at kasalukuyang pag-iimbestiga ng ICC laban sa presidente, hindi ito kailanman magiging matigay na basehan upang mahatulan ang pangulo mula sa alegasyong hindi naman nito ginawa.

Samantala, pinawi rin ng kalihim ang maling pananaw ng mga kritiko nito na walang ginagawa ang pamahalaan upang habulin ang mga suspek ng mga pagpatay sa mga inosenteng sibilyan mula sa kamay ng mga operatiba mula sa mga lehitimong operasyon nito.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na suportado nito ang mga kapulisan sa bansa pero aniya kung magkamali ang mga ito ay hindi niya ito palalampasin at tiyak na haharap sa mga kaparusahan.

Ayon pa kay Roque, gumugulong ang hustisya sa bansa para sa sinasabing biktima ng human rights.

Sa huli, muling nanindigan ang Malakanyang na walang hurisdiksiyon ang ICC o sinumang dayuhan na manghimmasok sa panloob na sistema ng bansa

More in National News

Latest News

To Top