Mariing iginiit ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo at vice chairman ng House Committee on Public Accounts, na hindi sila kumbinsido sa naging paliwanag ng ABS-CBN patungkol sa labor issues nito.

Media entity na walang prangkisa mula sa Kongreso, hindi dapat magpatuloy

National News

Hindi maaaring magpatuloy sa operasyon ang isang media entity nang walang prangkisa mula sa Kongreso.

Ito ang muling nilinaw ni franchise lawyer Atty. Rolex Suplico sa  isang eksklusibong panayam ng Sonshine Radio. Ito ay kaugnay sa nakatakdang pagtatapos ng prangkisa ng Kapamilya network o ABS-CBN ngayong araw, Mayo 4.

“I understand na si (former) Chief Justice Renato Puno ay nag-issue, ito pong Associated Communications and Wireless Services United Broadcasting Networks (ABS-CBN) vs. NTC. Ito po ang sinasabi dito, kung wala kang prangkisa ay hindi ka maaaring pumunta sa NTC para mag-apply sa pag-operate ng isang radio or TV station,” saad ni Suplico.

Dagdag pa ni Suplico, hindi rin nakatutulong ang resolusyon at sulat na ginawa ng ilang mambabatas sa Senado para mapalawig pa ang provisional authority ng Kapamilya network.

Gayunman, nilinaw ni Suplico na may karapatan pa rin itong mag-apply ng panibagong prangkisa sa oras na magpaso ang hawak nitong prangkisa.

“Pwede sila mag-apply uli ng prangkisa. Kung ma-issuehan sila ng prangkisa, takbo sila sa NTC, mag-apply sila ng kanilang mga istasyon.”