Coronavirus, umabot na sa bansang Brazil

Mayorya ng mga Pilipino, patuloy pa ring nag-iingat kontra COVID-19 –SWS

National News

Mayorya ng mga Pilipino ang patuloy pa ring sumusunod sa mga pag-iingat laban sa COVID-19 batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng SWS survey na isinagawa noong Hulyo 3 hanggang 6, 76% ng mga Pilipino ang nagsabi na palagi silang nagsusuot ng facemask tuwing lalabas ng kanilang bahay.

Nasa 65% ang nagsabing maraming beses silang naghuhugas ng kamay sa loob ng isang araw at 59% ang ipinatutupad ang social distancing o 1 metrong distansya mula sa mga tao tuwing lalabas ng bahay.

Ang survey ay isinagawa matapos ibaba ng pamahalaan ang community quarantine protocols sa maraming lugar sa bansa noong Hulyo 1.

Ang July survey ay halos walang pinagkaiba sa resulta ng may 2020 survey kung saan 77% ng mga Pilipino ang palaging nagsusuot ng face mask at 68% ang palaging naghuhugas ng kanilang kamay.

Gayunman, bumaba ng limang puntos mula sa 64% ang mga nagpapanatili ng social distance.

Ang SWS July 3-6, 2020 ng national mobile phone survey ay isang probability-based survey na isinagawa gamit ang mobile phone and Computer-assisted telephone interviewing (CATI) sa 1,555 adult Filipinos sa buong bansa.