Connect with us

Mayorya ng mga Pilipino, naniniwalang lalala pa ang krisis na dala ng COVID-19

Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na lalala pa ang krisis sa COVID-19 sa Pilipinas batay sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS).

National News

Mayorya ng mga Pilipino, naniniwalang lalala pa ang krisis na dala ng COVID-19

Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na lalala pa ang krisis na dala ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey noong Hulyo, 57% ng mga Pilipino ang naniwalang lalala pa ang health crisis.

Mas mataas ito kumpara sa 47% na naitala noong may 2020 survey.

Ayon sa SWS, 70% sa mga nagsabing lalala pa ang krisis na dala ng COVID-19 na mula sa Metro Manila.

Sinundan ito ng Visayas na may 61%, Balance Luzon na may 56% at Mindanao na may 49%.

Samantala, bumaba naman sa 35 % mula sa 44 % noong Mayo ang mga naniniwalang lumipas na ang pinakamalalang krisis sa COVID-19 sa bansa.

Ang SWS July 3-6, 2020 National Mobile Survey ay isang probability-based survey na isinagawa gamit ang mobile phone at Computer-Assisted Telephone Interviewing (CATI) sa 1,555 working-age Filipinos.

 

More in National News

To Top