Connect with us

Mayor  Teodoro, ‘di pahihintulutan ang pagbubukas ng mga sinehan Marikina  

Babakunahan ngayong umaga si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa unang araw ng vaccination roll out sa kaniyang siyudad.

Metro News

Mayor  Teodoro, ‘di pahihintulutan ang pagbubukas ng mga sinehan Marikina  

Hindi muna pahihintulutan ni Mayor Marcelino Teodoro ang pagbubukas ng mga sinehan sa Marikina City.

Ayon kay Mayor Teodoro, hindi pa malinaw kung bakit ito bubuksan ang mga sinehan at ano ang mga health protocol na ipatutupad sa loob nito.

Ito ang inihayag ni Mayor Teodoro sa panayam ng Soshine radio.

“Naglabas ako ng executive order galing sa aking tanggapan, we could exercise neccesary, appropriate, and incidental powers in order to ensure public health welfare.”

Ayon pa kay Teodoro, sa ngayon, hindi pa lubusang humuhupa ang kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Ani Mayor Teodoro, mas mainam na pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno ang pagpapahupa ng kaso COVID-19 at ang vaccination program.

More in Metro News

Latest News

To Top