Connect with us

Mayor Sara Duterte, susuportahan ng Marcos loyalists kung tatakbong pangulo sa 2028

Mayor Sara Duterte, susuportahan ng Marcos loyalists kung tatakbong pangulo sa 2028

National News

Mayor Sara Duterte, susuportahan ng Marcos loyalists kung tatakbong pangulo sa 2028

Matindi ang suporta ng mga taga Maynila kina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Mayoral aspirant Atty. Alex Lopez na pambato rin Uniteam sa mayoralty race sa lungsod.

“Papasok naman kayo nakita niyo naman ang dami ng tao labas masok puro BBM-Sara lang ang sinisigaw nila. I don’t know wether that’s just a campaign for our troop but I think deserving si BBM,”- Atty. Alex Lopez, Mayoral aspirant, Partido Federal ng Pilipinas.

Diin din ni Lopez na sa araw-araw na pag-iikot nila sa Maynila ay talagang BBM-Sara ang sigaw ng mga taga lungsod.

“I think our candidate is a better candidate, I think the people is very discerning especially in the city of Manila. I think they will know who to vote for.”

Samantala, narito naman ang komento ni Atty. Lopez sa naging pasya ni Mayor Sara na tanggihan ang panawagan na makipagtandem ito kay Manila Mayor Isko Moreno.

“They’re entitled to their support and we appreciate the support to any candidate especially to madam Sara by the Muslim sector. In fact they will really try to compare the presidential candidates. But I think the Muslim leaders in Manila will predominantly go for BBM.”

Samantala, welcome development naman kay Senatorial aspirant Larry Gadon ang pagtanggi ni Mayor Sara sa pinalulutang na Isko-Sara tandem.

“Ito ay nangangahulugan na si Mayor Inday Sara ay mayroong paninindigan na kahit na mawala man ang suporta ng mga Isko sa kanya ay hindi niya ito alintana sapagkat mas importante sa kanya ang usapang lalaki. Mas lalaki pa si Inday Sara kaysa sa iba dahil siya ay may paninindigan.” – ani Senatorial Aspirant Larry Gadon.

Tiniyak din Ni gadon ang suporta sa mayora ng dabaw sa 2028 presidential race.

“Kaya Mayor Inday makakaasa ka sa aming suporta sa mga Marcos loyalist ng boto at talagang puspusan na pangangampanya sa iyo sa 2028. Sakaling maisipan mo, sakaling maisipan mong mag-desisyon ka na tumakbo bilang presidente sa 2028.”

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top