Connect with us

Mayor Sara Duterte, maaaring maging substitute candidate ni Pang. Duterte – COMELEC

Magiging independent o maaaring makilala bilang magkaibang panig ng partidong PDP-Laban.Ito ang tingin ni COMELEC

National News

Mayor Sara Duterte, maaaring maging substitute candidate ni Pang. Duterte – COMELEC

Magiging independent o maaaring makilala bilang magkaibang panig ng partidong PDP-Laban.

Ito ang tingin ni COMELEC Spokesman James Jimenez hinggil sa isyu ng Duterte at Pacquiao faction.

Hindi pa naman tiyak kung saan sa dalawang hakbang ang pipiliing desisyon ng COMELEC ayon kay Jimenez.

Samantala, maaaring maging substitute candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Jimenez, walang magiging problema dito basta’t pareho lang ang kanilang partido.

Samantala, umapela sa publiko si Comelec Commissioner Rowena Guanzon partikular na ang mga hindi pa nakapagparehistro na huwag hintayin ang huling araw para magparehistro.

Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Comelec En Banc na palawigin pa hanggang sa katapusan ng Oktubre ang voter registration para sa 2022 national elections.

Paliwanag ni Guanzon, kaya pinayagan nilang palawigin ang registration kahit mahirap para sa kanila dahil kailangang mairehistro ang lahat kaya umaasa ito na makipag-cooperate ang publiko.

Sa ngayon, tinatayang nasa 62 milyong Pilipino na ang rehistradong botante habang nasa 7.2 milyong registration naman ang na-deactivate matapos bigong bumoto sa dalawang eleksyon.

Mula sa naturang bilang, nasa 880,000 naman ang muling nagpa-reactivate ng kanilang voter status.

 

 

More in National News

Latest News

To Top