Connect with us

Mayor Joy Belmonte, tinawag na sinungaling hinggil sa BBM-Sara event sa QC

Mayor Joy Belmonte, tinawag na sinungaling hinggil sa BBM-Sara event sa QC

National News

Mayor Joy Belmonte, tinawag na sinungaling hinggil sa BBM-Sara event sa QC

Tinawag na sinungaling ni Malayang Quezon City President Edwin Rodriguez si Mayor Joy Belmonte matapos nitong linawin na hindi nito hinaharang ang paparating na BBM-Sara event sa siyudad sa Dec. 8.

Ayon kay Rodriguez, klaro na hinaharang at ginigipit ng city hall ang event dahil sa mga pabago-bago nilang mga pahayag.

Una, sa halip na ang liwasang Aurora, ang covered court sa loob ng Quezon City Circle ang pinapagamit, pangalawa ay hindi na raw ipapagamit ang circle sa mga political activities at nitong huli ay ipapagamit na ang lugar pero kailangang tiyakin ang health protocols.

Nauna namang pinabulaanan ni Belmonte na hinaharang niya ang Bongbong Marcos event at namumulitika lamang umano si Mayoral Aspirant Mike Defensor.

Para naman kay Defensor, hindi na nila ipipilit ang event sa circle dahil halatang hindi ito ipagagamit sa halip ay magsasagawa na lamang sila ng motorcade kasama si BBM ngayong a-otso.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top