Connect with us

Mayor Inday Sara, mas malaki ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo – Sen. Dela rosa

Mas malaki ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.

National News

Mayor Inday Sara, mas malaki ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo – Sen. Dela rosa

Mas malaki ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Presidential Aspirant Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kung saan nasa 60% aniya ang posibilidad na ito.

Dagdag pa ng senador, maaaring ito na ang pinal na desisyon ng presidential daughter para sa darating na halalan.

Gayunman, nilinaw ni Sen. Bato na ang 40% ay malaking pag-asa pa rin na tatakbo ang alkalde ng Davao sa pagkapangulo.

Muli namang tiniyak ni Dela Rosa na handa nitong i-atras ang kandidatura sakaling magdesisyon si Mayor Sara na tumakbo sa pagkapresidente at maging standard bearer ng PDP-Laban.

Ngunit sakali namang hindi talaga tatakbo si Mayor Sara ay wala na aniyang atrasan ang kanyang pagkatakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Matatandaan na sa darating na Nobyembre a-15 ang itinakdang deadline ng Comelec para sa substitution ng mga kandidato.

More in National News

Latest News

To Top