Connect with us

Mayayabang na health violators, agad isumbong sa Pulisya – PNP Spokesperson Usana

Isumbong agad sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya ang sinumang hindi susunod sa tamang health protocols.

National News

Mayayabang na health violators, agad isumbong sa Pulisya – PNP Spokesperson Usana

Isumbong agad sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya ang sinumang hindi susunod sa tamang health protocols.

Ito ang naging payo ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa pagmomonitor ng PNP sa mga groufie photos sa social media na malinaw namang lumalabag sa social distancing.

Ani Usana, huwag mag-atubiling i-report sa kinauukulan lalong-lalo na kung mayayabang ang mga ito at hindi naniniwala kung sitahin.

Binigyang-diin naman ni Usana na para hindi mahirapan sa pagsita ay dapat magpaskil na rin ng notices ukol sa pagbabawal ng groufies sa buong establisyimento.

Samantala, nilinaw ni Usana na hindi excempted dito ang lahat na mga opisyal ng gobyerno.

Kaugnay nito ng mahigit 300 checkpoints ngayon ang itinayo sa muling pagpatutupad ng curfew hours sa National Capital Region.

Dahil dito ayon kay PNP OIC Police Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, magpapakalat sila ng 9, 634 na mga pulis upang matiyak na maipatupad ng maayos ang curfew hours at minimum health standards.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top