Connect with us

May nanghihingi ng pera kapalit ng umano’y hacked documents – COMELEC

May nanghihingi ng pera kapalit ng umano'y hacked documents - COMELEC

National News

May nanghihingi ng pera kapalit ng umano’y hacked documents – COMELEC

Ibinunyag ng Commission on Elections (COMELEC) na may nangingikil ng pera sa kanila kapalit ng umano’y hacked documents.

Subalit nilinaw ng komisyon na ang usapan ay idinaan lamang sa kompanya ng diyaryo na unang naglabas din ng storya sa umanoy hacking.

Sa isang interview sa media, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na hanggang ngayon ay wala pa silang nakikitang matibay na ebidensya na nagkaroon ng data breach.

Hindi rin aniya kapani-paniwala ang mga ipinakitang screenshots sa umano’y nakaw na dokumento dahil mali ang ibang impormasyon doon gaya nalang ng pagtawag na absentee voters sa mga overseas voters. Mali din aniya ang mga umano’y nakaw na impormasyon na galing sa Las Piñas COMELEC precincts.

Sa kabila ng kawalan ng patunay sa umano’y panghahack sa kanilang data system ay sinabi  ni Jimenez na handa nilang papanagutin sa batas ang sinuman na sinisira ang kredibilidad ng komisyon.

Gayunpaman, interesado parin ang COMELEC na mas malinawan pa sa tunay na estado ng nasabing pangha-hack sa kanilang data.

Posible din ani Jimenez na hindi pa nailalabas ng hackers ang kabuuan ng kanilang nalalaman.

Tiniyak din ng COMELEC na bukas ang kanilang ahensiya sa anumang imbestigasyon na gagawin hinggil sa nasabing isyu.

More in National News

Latest News

To Top