Connect with us

Maximum tolerance, paiiralin sa kilos-protesta sa huling SONA ng Pangulo

Maximum tolerance, paiiralin sa kilos-protesta sa huling SONA ng Pangulo

National News

Maximum tolerance, paiiralin sa kilos-protesta sa huling SONA ng Pangulo

Paiiralin ng Philippine National Police (PNP) ang maximum tolerance sa pagsasagawa ng kilos-protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue papunta sa Batasan Complex sa Quezon City ngayong araw.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Eleazar, tungkulin ng pulisya na panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa kilos-protesta ng iba’t-ibang grupo.

Nanawagan din ang chief PNP sa mga raliyista na bantayan ang kanilang hanay.

Pinayuhan din nito ang mga magsasagawa ng aktibidad na sumunod sa ipinatutupad ng health protocols lalo na’t nakumpirma na ang local transmission ng mas nakahahawang delta variant ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top