Connect with us

Matagal na pagkuha ng ECQ ayuda, posibleng mabawi – QC gov’t

Tapos na sa pagbibigay ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda ang Barangay Kamuning sa Quezon City.

National News

Matagal na pagkuha ng ECQ ayuda, posibleng mabawi – QC gov’t

Tapos na sa pagbibigay ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda ang Barangay Kamuning sa Quezon City.

Dalawang araw lamang ang itinagal sa pagbibigay nila ng cash assistance sa 3,478 na benepisyaryo.

Susi raw dito ayon sa Barangay ang maagang pagplano para mabilis na maibigay ang tulong ngayong may pandemya.

Sa kabila nito, mayroon pang mahigit 200 na residente ang hindi pa nakakakuha ng ECQ ayuda sa Kamuning.

Sila yung mga na quarantine o di kaya ay nasa probinsya.

Kaya naman binalaan ngayon ng Quezon City Government ang mga residente ng siyudad na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kinukuha ang kanilang ECQ ayuda.

Sa isang pahayag, sinabi ng QC government na kapag hindi kinuha ang ayuda sa loob ng itinakdang panahon ay ibibigay ito sa iba.

Makukuha ito ng mga umapela sa grievance and appeals committee na papasa sa screening ng lokal na pamahalaan.

Posible rin itong ibigay bilang pandagdag sa mga nagreklamo’ng kulang ang natanggap na ECQ cash aid.

Kaya naman, nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga eligible beneficiary na kunin na agad sa lalong madaling panahon ang tulong.

“We encourage everyone listed to claim their ayuda during their designated schedule and venue because if these will remain unclaimed, they will be allocated to other residents who are qualified to receive help as well,”saad ng alkalde.

Nitong Abril 24, nasa 90.71% ng kabuuang P2.481 billion na pondo para sa ECQ ayuda ang naipamahagi na sa QC.

Sa ngayon, nasa 123,658 na pamilya pa o katumbas ng 230,665 na indibidwal ang hindi pa nakatatanggap ng ayuda.

Tinatayang 80,000 dito ay nakatira sa mga malalaking barangay.

Habang nasa 40,000 na pamilya ang naninirahan sa ibang mga barangay.

Payo naman ng lokal na pamahalaan na bisitahin lamang ang official website ng QC government para sa makita ang listahan ng mga tatanggap ng ayuda.

Para sa mga benepisyaryo na bigong makuha ang kanilang ayuda sa distribution centers, magtungo lamang sa city treasurer’s office.

More in National News

Latest News

To Top