Connect with us

Mataas na opisyal ng communist terrorist, huli sa Masbate

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang mataas na opisyal ng communist terrorist group sa Placer, Masbate.

Regional

Mataas na opisyal ng communist terrorist, huli sa Masbate

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang mataas na opisyal ng communist terrorist group sa Placer, Masbate.

Sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Army at Philippine National Police ay naaresto si Chito Huligañga na nagtatago sa mga alyas na Ogos, Agos, August, Leo, Miguel, Mario, at Zardo ng National Operations Command ng grupo.

Si Huligañga ay ikinokonsiderang high-value target na may tatlong warrant of arrest para sa double murder with frustrated homicide, paglabag sa RA 8294 at RA 9516 o illegal possession of explosives.

Maliban dito, si Huligañga din ang nangangasiwa sa pagsasanay at pagpapatupad ng tactical operations ng communist terrorist.

Nakuha naman sa suspek ang caliber .45 pistol, hand grenade at propaganda materials.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top