Patay ang isang mataas na finance officer ng New People’s Army (NPA) na nagooperate sa boundary ng Davao-Caraga at Northern Mindanao sa isang operasyon ng otoridad sa Butuan City.

Mataas na lider ng NPA sa Davao, patay sa operasyon ng otoridad

Regional

Patay ang isang mataas na finance officer ng New People’s Army (NPA) na nagooperate sa boundary ng Davao-Caraga at Northern Mindanao sa isang operasyon ng otoridad sa Butuan City.

Kinilala ang napatay na rebelde na si Manuel Magante alyas Jino/Saldo, finance officer ng Regional Operations Command at ang pinuno ng  Intelligence Special Operations Group ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Ikinasa ang operasyon ng mga sundalo at pulisya laban kay Magante sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa 2 kaso ng Robbery at Homicide sa Rosales St., Brgy. 15, San Ignacio, Butuan City noong Pebrero a-5.

Ngunit nanlaban ang rebelde sa operasyon dahilan upang magkapalitan sila ng putok ng otoridad na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober ng otoridad ang isang Cal.45 pistol at magazine na may mga bala mula kay Magante.

Sinasabing si Magante ay sangkot sa pag-atake sa mga sundalo at sibilyan sa Mindanao kabilang na ang pagpaslang kay Datu Ruben Labawan noong 2015; pagdukot kay Jail Warden Coquilla sa Compostela noong 2015; pagdukot at pagpatay kay Loreto, Agusan del Sur Mayor Dario O. Otaza at anak niyong si Darryl O. Otaza sa Butuan City noong 2015; pag-disarma sa Peace and Order ng Brgy. Mahungcog, sa bayan ng Magpet noong 2016; at pagsunog sa mga heavy equipment sa Brgy. Callawa, Davao City noong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *