Connect with us

Mataas na benepisyo ng masusugatang uniformed personnels, isinusulong

Isinusulong ngayon sa Kamara na taasan ang benepisyo ng Military and Uniformed Personnels (MUPs) na masasawi o di kaya ay masusugatan sa operasyon.

National News

Mataas na benepisyo ng masusugatang uniformed personnels, isinusulong

Isinusulong ngayon sa Kamara na taasan ang benepisyo ng Military and Uniformed Personnels (MUPs) na masasawi o di kaya ay masusugatan sa operasyon.

Kasama sa MUPs ang mga taga Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections(BOC) at ang hydrography branch ng National Mapping and Resource Information Agency.

Bahagi ito ng isinusulong na House Bill 9271 ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda.

Aniya, layon nito na tumbasan ang sakripisyo ng mga nagbubuwis ng buhay para sa kapakanan ng bayan.

Ngunit nilinaw ni Salceda na wala pang maibibigay na kagayang kompensasyon dahil sa ngayon ay wala pang reserve fund para dito.

Sa ilalim ng panukala, ang Government Service Insurance System (GSIS) ang hahawak sa reserve fund.

“Right now, we can’t make those compensations, because we don’t have a reserve fund for their pension, and we pay all pensions out of the national budget,” saad ng kongresista.

Kukunin din aniya ang pondo para sa unique insurance system para sa mga mapapahamak sa bakbakan.

“Once we get the GSIS to run the military pension, we will be able to create an insurance system for the unique risks they take in the line of duty.”

Bubuo rin ng MUPs trust fund at gagawing mandatory ang kontribusyon nito sa mga uniformed personnel.

Suportado naman ng Department of Finance ang naturang panukala.

Kinonsulta na rin ito ni House Speaker Lord Allan Velasco sa nasabing usapin.

Tiniyak naman ng mambabatas na maipatutupad ang repormang ito sa ilalim ng Duterte Administration maging ang ang pagsasaayos sa mga isyu sa MUP pension system.

“The House leadership also wants to address longstanding issues in the MUP pension system. The details will be debated, I am sure. But this reform will move under this administration,” angt paliwanag ni Salceda.

Taong 2004 pa noong unang isulong ang MUP pension reform o sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

As of December 2019, nasa 402,086 ang active MUPs sa bansa.

196,004 dito ay regular pensioners habang 93,172 ang survivorship pensioners o benepisyaryo ng mga nasawi.

Ang bilang naman ng uniformed personnel beneficiaries as December 2019 ay 408,086 active pensioners, 196,004 regular pensioners, at 93, 172 survivorship pensioners.

More in National News

Latest News

To Top