Connect with us

Massive info campaign ng DOH para sa COVID-19 vaccine, inilunsad

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang massive information campaign para magkaroon ng kumpiyansa ang mga tao tungkol sa bakuna laban sa COVID-19.

National News

Massive info campaign ng DOH para sa COVID-19 vaccine, inilunsad

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang massive information campaign para magkaroon ng kumpiyansa ang mga tao tungkol sa bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni DOH Sec. Francisco Duque III sa isinagawang pagdinig sa Senado.

Ani Duque, natuto na ang bansa sa mga pagkakamali gaya ng dengvaxia vaccine.

Matatandaang, maraming magulang noon ang naghain ng kaso dahil sa pagkasawi ng mga anak ng mga ito na iniuugnay sa dengvaxia vaccine.

Bagama’t hindi pa ito napapatunayan, lumiit ang kumpiyansa ng mga Pilipino pagdating sa mga bakuna.

Dagdag pa ni Duque, makikipag-ugnayan ang DOH sa Philippine Information Agency (PIA) upang maipaliwanag sa mga Pilipino ang efficacy ng COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng video at iba pa.

Maging ang Philippine Medical Association at Philippine Nurses Association ay magiging kabahagi rin sa nasabing information campaign ng DOH.

Ayon rin sa Pulse Asia Survey, nasa 32% lamang ng mga Pinoy ang pabor sa bakuna at nasa 47% naman and hindi pabor.

Samantala, mas maraming bilang ng mga COVID-19 vaccine supply ang magmumula sa novavax mula sa Estados Unidos.

Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez pagdinig ng committee of the whole sa Senado.

Ang Novavax at Covavax mula sa India ay dalawa sa mga kumpanya ng bakuna na nilagdaan na ng Pilipinas ang term sheet.

Dagdag pa ni Sec. Galvez, maaring makauha ang Pilipinas ng 40 million o mas marami pang volume mula sa Pfizer, 25-30 million doses sa Aztrazeneca, 25 million kada isa naman sa Sinovac at Gamaleya.

Ani Galvez, maari nang dumating ngayong unang quarter ng taong 2021 ang bakuna ngunit ang masa maraming bilang ng COVID-19 vaccine ay darating pa sa huling bahagi ng taon.

More in National News

Latest News

To Top