Connect with us

Mass testing hindi solusyon sa pandemya – Testing Czar Dizon

Iginiit ni Testing Czar Vince Dizon na walang niisang health expert ang nagpapayo na kailangang ma-test ang lahat ng mamamayan sa isang bansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

National News

Mass testing hindi solusyon sa pandemya – Testing Czar Dizon

Iginiit ni Testing Czar Vince Dizon na walang isang health expert ang nagpayo na kailangan ng mass testing upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ang bwelta ni Dizon sa gitna ng panawagan ng ilang pulitiko na kailangan  ng mass testing.

Aniya, isang kumplikadong test ang Polymerase Chain Reaction (PCR) test dahil ang mga medtech na sumusuri sa mga sample ay natatamaan rin ng COVID-19.

Kung magkakasakit ang mga medtech ng bawat laboratoryo, makakaapekto rin ito sa kanilang abilidad na sumuri ng mga specimen.

Ito ang dahilan kung bakit minararapat ng mga eksperto na magdagdag ng antigen test sa NCR plus upang matulungan ang mga laboratoryo na tinamaan ng COVID-19 ang workforce.

Risked-based at target-testing ani Dizon ang kailangang hindi mass testing.

“Lahat po ng eksperto sa Pilipinas at sa buong mundo ay hindi po nirirekomenda ang mass testing ng lahat ng mga—ng buong populasyon ng isang bansa. Ang kailangan po natin ay risk-based at 27:08 targeted testing,” saad nito.

Nangangahulugan ito na kailangan mayroong guidelines kung kailan ang isang tao dapat magpa-test.

Aniya, hindi pwede na ang tao mismo ang magpapasiya kung dapat o hindi ba ito magpatest.

Sinabi pa nito na dapat recommended ng isang doktor kung ang isang indibidwal ay may sintomas o pasok sa guidelines na itinalaga ng mga eksperto.

Saad din ni Dr. Edsel Salvana ng technical advisory group ng Department of Health (DOH), mas mahusay na tututukan ang targeted COVID-19 testing kaysa sa mass testing.

Ani Dr. Salvana,” Ang problem kasi, especially if hindi tayo targeted testing, kapag nag-test tayo ng tao na hindi natin iniisip ‘yung timing ng kaniyang pagkahawa at walang sintomas, you are in danger of clearing someone 2 or 3 times.”

Paliwanag ni Salvana, naapektuhan ang accuracy rate ng PCR tests depende sa tagal ng impeksyon.

Paliwanag ni Salvana tatagal ng halos tatlong araw bago pa lalabas na positibo sa PCR test ang isang indibwal na nahawa sa virus.

Pero kahit lumipas na ang tatlong araw, aniya, 33% lang din ang posibilidad na magpopositibo ang naimpeksyong individual sa test.

Tataas naman ng hanggang 62% ang accucary ng PCR test kung umabot na sa limang araw ang sintomas ng isang indibidwal.

 

More in National News

Latest News

To Top