Connect with us

Mass testing, hindi masyadong natutukan – OCTA research

Hindi masyadong natutukan ang mass testing.

National News

Mass testing, hindi masyadong natutukan – OCTA research

Hindi masyadong natutukan ang mass testing.

Ito ang magkaparehang ipinupunto nina OCTA-research Professor Guido David at former Inter-Agency Task Force (IATF) adviser Dr. Tony Leachon sa panayam ng Sonshine radio kaugnay sa kung ano nga ba ang dahilan ng biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Professor David, maliban pa sa hindi natututukan ang mass testing, kulang rin ang kapabilidad ng contact tracing sa bansa.

“Last year pa namin reni-recommend ‘yung mass testing eh. At hindi lang ‘yung mass testing ‘yung nagiging problema natin kasi efficiency contact tracing natin, bumaba na. Ngayon mga 1 is to 3 nalang ‘yung nakocontact-trace nila eh. Ibig sabihin pag may isang positive, tatlo nalang ‘yung nakocontact-trace. Kulang ng capability ‘yung ano, ‘yung contact tracing natin kasi karamihan ng contact tracing natin, manual,” saad nito.

Tatlong dahilan naman ang binigay ni Dr. Leachon kaugnay dito.

“Number 01, hindi natin nacontrol ‘yung borders natin, nakapasok ‘yung variants. Number 02, nagkaroon tayo ng premature opening of the economy by suggestions like open the cinemas at (number 03) dumating ‘yung bakuna. Nagkaroon ng vaccine optimism. So itong tatlong ‘to lead to this particular surge.”

Suhestiyon ngayon ni Professor David, kailangan makapag-vaccinate ng tatlo hanggang limang milyon sa National Capital Region na siyang COVID-19 hotspot sa buong bansa para matulungang mapigilan ang pagtaas nito.

Ang kay Dr. Leachon, kung nais ng bansang mapalakas ang healthcare system, dapat matugunan muna ang kakulangan ng healthcare workers sa bansa, pagkakaroon ng sapat na budget para sa health response at dagdag na isolation facilities.

More in National News

Latest News

To Top