Connect with us

Mass swab testing sa Lungsod ng Maynila, umarangkada na

Sinimulan na ngayong araw ang libreng mass swab testing sa mga mangagawa ng iba't ibang sector sa lungsod ng Maynila ang pinaigting na swab test ay kasunod sa pagbukas ng ikalawang molecular laboratory sa Lungsod ng Maynila.

Metro News

Mass swab testing sa Lungsod ng Maynila, umarangkada na

Sinimulan na ngayong araw ang libreng mass swab testing sa mga mangagawa ng iba’t ibang sector sa Lungsod ng Maynila.

Isinagawa ito sa Pritil market , Baseco covered court at basement lobby ng Robinson Place Manila, Lucky Chinatown Mall , SM City Manila at SM City San Lazaro.

Sa inilabas na executive order no.39 ni Manila City Mayor Isko Moreno, inihayag nito na  magbibigay ng libreng RT-PCR testing ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga empleyado at mangagawa  nito at sa iba’t ibang sector sa gitna ng pandemya.

Bukod sa market vendors, ang mga mall employees supermarket workers ay kasama rin sa isinasagawang libreng mass swab testing maging ang mga hotel staff, restaurant workers, e-trike, tricycle, pedicab, jeepney at bus drivers.

Nakatakda narin ang pagbubukas  ng Manila City Government ng ikalawang RT-PCR molecular laboratory ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana hospital kung saan may kakayanan itong makapag test ng isang libo bawat araw.

Ayon kay City Health Officer Dr. Arnold Pangan lalabas ang resulta sa naturang test sa loob ng 24 hangang 48 oras.

Ipapadala naman ang resulta ng test sa pamamagitan ng email sa mga management ng establisyemento at PUV drivers association.

Sasalilalim naman sa quarantine ang mga symptomatic patients habang nag-aantay sa resulta ng kanilang test.

Una na ring inatasan ni Mayor Isko ang mga pinuno ng bureau of permits and licensing office, department of tourism, culture and arts of Manila at Manila traffic and parking bureau  na i-require ang mga establisyemento na mag-sulat sa mandatory health declaration form para sa posibleng contact tracing.

Kaugnay  nito, target naman ng Manila traffic and parking bureau ang makapag test ng 300 public utility drivers bawat araw kung saan hindi bababa sa  24k ang mga driver sa  lungsod ng Maynila na mula sa pedicabs, trycles, jeepneys at e–trikes

Samantala nagpaabot naman ng pasasalamat ang Department of Tourism Culture and Arts of Manila sa naging inisyatibo ng alkalde na magkarooon ng free mass swab testing o RT PCR test dahil ang turismo ay isang esensyal na parte ng isang ekonomiya ,ganun din sa mga stakeholders sa Manila na makakatulong sa mga ito para sa unti-unting pagbuhay ang ekonomiya.

Continue Reading

More in Metro News

Latest News

To Top