Connect with us

Mas maraming pulis, naka-deploy sa paghahain ng COC ngayong araw

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad ng mga maghahain ng Certificate of Candidacy (COC)

National News

Mas maraming pulis, naka-deploy sa paghahain ng COC ngayong araw

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad ng mga maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw, Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy upang mapigilan ang anumang banta.

Ilan sa critical scenarios na pinaghandaan ng pulisya sa kanilang simulation exercises (SIMEX) kahapon ay ang shooting incident, assassination attacks, bomb threat, fire incident, pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga pulitiko at iba pa.

Maliban sa mga pulis, nakabantay din ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Commission on Elections (Comelec) concerned local government units, at disaster personnel.

Una nang pinatutukan sa mga pulis ang mga lugar na may matinding political rivalry at election-related violent incidents.

More in National News

Latest News

To Top