Connect with us

Mas anti-poor ang makahawa sa mga ‘di bakunado – Asec. Libiran

Mas anti-poor ang makahawa sa mga 'di bakunado - Asec Libiran

Metro News

Mas anti-poor ang makahawa sa mga ‘di bakunado – Asec. Libiran

Dinipensahan ni Asec. Goddes Hope Libiran ang bagong polisiya na inilabas ng Department of Transportasyon (DOTr).

Ito ay ang “No Vaccination, No Ride” policy sa mga pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na nasa alert level 3 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Asec. Libiran, mas anti poor at anti-life kung mahahawa at makakahawa ang mga hindi pa bakunado.

Mas nakakapagpabigat aniya sa suliranin ng health care sytem sa bansa kung mas lalala ang kaso ng COVID-19.

Hindi rin dapat maging dahilan ang hawaan ng virus para muling mapatigil ang operasyon ng pampublikong transportasyon tulad ng nangyari sa MRT, PNR at LRT dahil sa hawaan ng mga pasahero.

Sinabi pa nito na pinagsisikapan ng kanilang ahensiya na mapanatiling operational ang pampublikong transportasyon sa gitna ng pandemya.

 

 

More in Metro News

Latest News

To Top