Connect with us

Martial Law sa Sulu, makatutulong para maipatupad ang Anti-Terror Law

Naniniwala ang Philippine National Police na makatutulong ang rekomendasyon na martial law sa Sulu sa pagpapatupad ng anti-terror law na ang layunin ay mapigilan ang banta sa seguridad.

National News

Ito ang iginiit ni PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac matapos suportahan ng liderato ng PNP ang naturang rekomendasyon ni Philippine Army chief Lieutenant General Cirilito Sobejana matapos ang twin bombing sa Jolo.

Ayon kay Banac, habang wala pa ang implementing rules and regulations (IRR) maaaring ipatupad ang batas militar sa Sulu upang mapanatili ang peace and order. .

Sinabi ni Banac na dalawang linggo matapos maaresto si Abu Sayyaf leader Anduljihad “Idang” Susukan sa Davao City ay nakaalerto na sila sa posibleng pag-atake ng mga tagasuporta nito.

Una nang inatasan ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa ang Philippine Bomb Data Center at Crime Laboratory para magbigay ng technical support sa imbestigasyon sa Sulu.

More in National News

Latest News

To Top