Connect with us

Martial law dapat nang ideklara ng Pangulo dahil sa mga pasaway sa ECQ- Enrile

Dapat nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 'martial law' dahil sa patuloy na paglabag ng mamamayan sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

National News

Martial law dapat nang ideklara ng Pangulo dahil sa mga pasaway sa ECQ- Enrile

Dapat nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘martial law’ dahil sa patuloy na paglabag ng mamamayan sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ito ang naging pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa isang panayam ng Sonshine Radio kaugnay ng usaping planong pagpapatupad ng Pangulo ng military take over dahil sa patuloy na pagdami ng mga sumusuway sa umiiral na community lockdown laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa dating senador, kung siya ang Pangulo ay magdedeklara na siya ng martial law para sumunod ang mga mamamayang patuloy na lumalabag sa quarantine protocol.

“Alam mo kung ako si Presidente Duterte, dapat ‘yan, para sumunod yang mga tayo na ‘yan, magdeklara ng Martial law. Ikulong na sila kung hindi sila sumunod,” saad ni Enrile.

Dagdag pa ni Enrile na mas malala pa ang pagsuway sa ipinatutupad na community lockdown dahil hindi nakikita ang kaaway at malaking banta ito sa public safety at order kaya nararapat lang na ipatupad ng pamahalaan ang police power nito.

“Alam mo, this is worse than invasion or revolution. You do not see your enemy eh. Ikinukulong ka ng enemy mo, pati gobyerno i-paralyze eh. The public safety is involved. When public safety and order is threatened, the government can exercise police power,” pahayag ni Enrile.

Matatandaan na nagbabala ang Pangulong Duterte na uutusan niya ang militar at pulis na magpatupad ng mga quarantine protocols tulad ng social distancing, curfew hours at iba pa para masigurong wala ng magmamatigas pang mamamayan sa gitna ng ECQ.

Samantala, isang tanong mula sa netizen ang diretsahan sinagot ng senador patungkol sa kahandaan ng mga Pilipino sa pagtatanggal ng ECQ.

Ayon kay Enrile, kung hindi magpupursige ang isang indibidwal na ihanda ang sarili sa ‘new norm,’ mamamatay aniya ito.

“Alam mo yung mga hindi handa, mamamatay. Yung mga nagpupursige na ihanda ang kanilang sarili, hindi po ang gobyerno ang naghahanda sa inyo eh. Kayo mismo ang naghahanda para sa inyo. Hindi kayo ma-baby-baby ng gobyerno. Kapag hindi kayo sumunod sa patakaran, pasensya, mamamatay kayo, magdudusa kayo,” paliwanag ni Enrile.

Sinabi rin ng senador na precaution, discipline at character ang dapat kinakailangan ng bansa para respetuhin bilang isang nasyon.

“Yan ang problema, walang handa diyan. It’s precaution, discipline, character. Yan ang dapat mangyari sa bayan na ito. This is a test of nationalism of the Filipino people if they really want to be a country to be respected,” saad ng dating senador.

More in National News

Latest News

To Top