Connect with us

Marketing events sa mga mall at business establishment, pinapayagan na

Maari nang magsagawa ng mga sale at iba pang marketing events ang mga business establishment at malls sa gitna ng COVID-19 crisis.

National News

Ito ang inanunsyo ng Malacañang kasunod ng pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) upang pag-usapan ang mga paraan sa pagbubukas ng ekonomiya.

Sa laging handa press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan na ang mga sale ngunit kailangan sumunod sa guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon rin kay Roque, binigyan otoridad ng IATF ang DTI na mag-adjust ng permissible on-site operational capacities ng lahat ng business establishments at activities sa ilalim ng general community quarantine at pababa.

Habang binigyan rin ng otoridad ang Department of Tourism (DOT) na tukuyin ang mga pinapayagang operation capacity para sa accommodation establishments maging sa ancillary establishments sa loob ng kanilang nasasakupan.

More in National News

To Top