Connect with us

Marikina Mayor Teodoro, hinarang ng DOH na mabakunahan ng Sinovac vaccine

Babakunahan ngayong umaga si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa unang araw ng vaccination roll out sa kaniyang siyudad.

Metro News

Marikina Mayor Teodoro, hinarang ng DOH na mabakunahan ng Sinovac vaccine

Hinarang ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ngayong umaga si Marikina City Mayor Marcy Teodoro ng bakuna ng Sinovac.

Ito ay sa pagsisimula ng vaccination program ng siyudad ngayong araw sa Marikina Sports Center.

Desidido si Mayor Teodoro na pangunahan sana ang vaccination program para makuha ang tiwala ng publiko na magpabakuna.

Ayon sa alkalde, bumagsak raw kasi sa 130 ang bilang health care workers na kasama sa eligible list na willing na magpabakuna ng sinovac.

Ang bilang ay mababa kumpara sa naunang 1,500 na health workers na kasama sana sa mga mababakunahan ngayong araw.

Paliwanag naman raw ng DOH kay Mayor Teodoro, hindi raw kasama ang mga mayor sa alokasyon ng mga dapat mabakunahan.

Si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sana ang unang babakunahan sa kanilang siyudad.

Ito ay para mahimok ang mga taga Marikina na ligtas ang China made vaccine ng Sinovac na Coronavac.

Samantala, 1,500 na health workers ng Amang Rodriguez Medical center ang kasama sa priority list na mababakunahan ngayong araw.

Ayon kay Mayor Teodoro, nagbigay ng consent ang nasabing health workers na maturukan ng coronavac.

Pero aminado si Teodoro na may ilan ring health workers sa siyudad ang ayaw magpabakuna ng Sinovac.

Iginagalang naman raw ng city government ang pasya ng ilan sa kanilang health workers.

Sa kabila nito, umaasa naman si Teodoro na papayagan silang mga alkalde na magpabakuna para maging halimbawa sa lahat na magtiwala sa bakuna kontra COVID-19.

More in Metro News

Latest News

To Top