Connect with us

Marikina LGU, nagpasalamat sa tulong ni Pastor ACQ sa mga naapektuhan ng baha

Nagpaabot ng pasasalamat ang Marikina LGU kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagpapadala nito ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Fabian.

Metro News

Marikina LGU, nagpasalamat sa tulong ni Pastor ACQ sa mga naapektuhan ng baha

Nagpaabot ng pasasalamat ang Marikina LGU kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagpapadala nito ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Fabian.

Ayon kay Marikina City, Mayor Marcy Teodoro, biyaya sa kanila ang butihing pastor sa muling pagbisita at paghatid nang tulong sa mga biktima ng pagbaha na dulot ng walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyong Fabian kanilang siyudad.

“Salamat po kay Pastor Quiboloy sapagkat hindi po niya tayo…hindi nakakalimutan. Nasa isip niya po tayo lagi ho.”

Maalala na noong Nobyembre nitong nakaraang taon ng unang nagtungo ang mga volunteer ng Children’s Joy Foundation, Sonshine Philippines Movement, Sonshine Media Network International at SMNI Foundation para sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa barangay Sto. Nino.

Ngayong taon naman ay mga taga Barangay Malanday naman ang pinahatiran ng tulong.

“Very timely ito yung pagkakabigay ng tulong na ito sapagkat nanatili sila ng ilang araw sa mga evacuation center at marami sa kanila daily wage earner. Kaya marami walang pambiling pagkain,” ang pahayag ng alkalde.

Ibinahagi pa ni Mayor Marcy kung paano nito naramdaman ang malasakit ng butihing pastor hindi lamang sa paghahatid ng balita ng SMNI News kundi maging sa kanyang mga dalangin para sa kanilang lungsod.

“Natatandaan ko ang mga interview ng SMNI sa akin noong Enero o noong Nobyembre palang nang unang inabutan kami ng Ulysses narito ang SMNI. Pagkatapos noon nang mag rehabilitation kami ng Enero noong summer noong panahong nagde-dredge kami ng ilog ibig sabihin pinalalapad at pinalalalim ito. Palaging naroon ang panungumusta ng SMNI sa balita at sa mga interview na ginagawa,” ang paglalahad ni Mayor Marcy.

Saad pa nito, “Ang totoo nakaramdam ako ng pressure eh para madaliin, gawin ang mabuti yung pagde-dredge. Kaya naman umaapaw ang tubig sa ilog dahil kumitid ang ilog at bumabaw ito. Dahil sa siltation sa kapabayaan natin sa kalikasan. Ngayon nga iniisip ko bakit ba nangyari yung mga bagay na yun? Minsan narinig at nalaman ko na si Pastor Apollo C. Quiboloy ay pinagdarasal at nagbibigay ng panalangin sa mga taga Marikina at sa Marikina. Kaya naisip ko baka yun yung divine intervention yung mga pangungumusta, yung pagpafollowup na dala bunsod ng panalangin na ginawa ni Pastor Quiboloy.”

Dahil sa dredging operations katuwang ang National Government ay nabawasan ang mga pagbaha ngayon sa Marikina.
Kinilala naman ng LGU ang tulong na dala ni Pastor Apollo.

Maayos naman na naisagawa ang relief efforts kasabay ng pagsunod sa basic health protocols kontra COVID-19.

“Ang puso po namin ay nagagalak sa inyo po. Sa lahat ng ginagawa niyo po para sa ating Bayan, para sa ating mga kapwa Pilipino, para sa lahat po. May mga aktwal na tulong po kaming natatanggap po buhat sa inyo. At higit sa lahat po, bunga po ng iyong panalangin para sa amin. Tunay na biyaya po kayo ng Panginoon para sa lungsod ng Marikina,”ayon sa alkalde.

More in Metro News

Latest News

To Top