Connect with us

Marcoleta, umaasa na ang pangtanggap ng ABS-CBN sa kanyang campaign ads ay hakbang tungo sa reporma

Marcoleta, umaasa na ang pangtanggap ng ABS-CBN sa kanyang campaign ads ay hakbang tungo sa reporma

National News

Marcoleta, umaasa na ang pangtanggap ng ABS-CBN sa kanyang campaign ads ay hakbang tungo sa reporma

Nilinaw ngayon ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa panayam ng Sonshineradio na wala siyang kontrol kung kanino ibebenta ng kanyang team ang kanilang campaign ads.

“Ako bilang isa, hindi ko kontrolado kung kanino nila ipararaan yung aking political add, na hindi ko nga alam na sorpresa na nga lang ako at napangiti na lang… yun namang nagba-bash sakin pinatatawad ko na yun, yung mga nagba-bash tiningnan ko rin naman kung sinu-sino sila… mga labing dalawa lang naman yun eh.”

Ito ay sa gitna ng pambabatikos ng iilan matapos makita ang kanyang campaign ads sa ABS-CBN kung saan isa siya sa mga kongresistang nanindigan na huwag bigyan ng prangkisa ang kapamilya network.

Sa kabila nito, umaasa naman si Marcoleta na posibleng ang hakbang na pagtanggap ng ABS-CBN sa kanyang campaign ads ay hakbang na nila tungo sa pagbabago o reporma.

Muling iginiit ng kongresista na nasara ito dahil napakaraming ebidensya ng paglabag sa batas ang ABS-CBN.

More in National News

Latest News

To Top