Connect with us

Marcoleta, dismayado sa mga kandidato na nais ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN

Nadidismaya si Representative at Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa mga kakandidatong senador na nangangakong ibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

National News

Marcoleta, dismayado sa mga kandidato na nais ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN

Nadidismaya si Sagip Partylist Representative at Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa mga kakandidatong senador na nangangakong ibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ani Marcoleta, ito aniya ang dahilan kung bakit nag-desisyon siya na tumakbo bilang senador bagama’t may isa pa siyang termino sa mababang kapulungan ng Kongreso.

“Napansin ko yung ibang kandidato o kakandidato sa pagkasenador talagang tahasang sinasabi na sila’y tatakbo lang naman dahil gusto nilang ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN. Pagkatapos napanaginipan ko yung hearing namin sa Kongreso , itoy tungkol sa magkasabay na pagdinig ng Blue Ribbon Committee  ng Senado at ng House of Representative kung saan ang mga tao ay halos naco-confuse, na mi-mislead kung alin ba talaga ang dapat naming paniwalaan, yung pagdinig ng House of Representatives o yung pagdinig ng Senado.”

“Inakala ko kasi na siguro kinakailangang pumalaot  na rin ako roon para kahit papaano makilala ng tao, Ano ba talaga ang gawain ng isang senador? baka sakali na sa munting paraan ang ating paghahalimbawa at sa ating gagawin magkaroon siguro ng isang masasabi nating ehemplo, Ano ba talagang gagawin ng isang senador.”

Nabanggit din ni Marcoleta na marami siya’ng mga gagawin kung mailuluklok siya bilang senador.

Kabilang na rito ang paggawa ng batas sa pakikibaka ng katiwalian sa gobyerno dahil naniniwala ito na may problema sa sistema ng Commission On Audit (COA).

” Kasi ang problema ay napakarami, unang-una ito ngang ginagawa ng Senado tungkol sa pagbaka ng mga katiwalian sa pamamagitan ng mga batas na ihahanay, ako ang unang-una kong naisip kasi mula pa noong umpisa eh, inumpisahan natin itong COA report, ito ang pinagtalunan ng dalawang kapulungan, kung tutuusin parang hindi nabuksan  sa kanilang kaisipan na ang talagang problema dito ay ang sistema na pag-audit ng COA.”

Bukod pa rito, naniniwala rin si Marcoleta na hindi lang dapat gumawa ng post-audit report ang COA kundi dapat bantayan ang kaban ng bayan para hindi manakaw.

 

More in National News

Latest News

To Top