Connect with us

Manny Pacquiao, tinalo ng proxy ni Spence

Tinalo ng proxy ni Errol Spence si Manny Pacquiao via unanimous decision

Breaking News

Manny Pacquiao, tinalo ng proxy ni Spence

Bigong maipanalo ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang kanyang ‘legacy’ fight laban kay Yordenis Ugas.

Ito’y matapos ang unanimous decision na tagumpay ni Ugas laban sa pambansang kamao sa WBA welterweight championship na isinagawa ngayong araw, ika-22 ng Agosto sa Las Vegas, Nevada, USA.

Binigyan ng judges ng iskor na 15-113, 116-112, 116-112 ang 12-round Pacquiao-Ugas fight pabor kay Ugas.

Si Ugas ang pumalit kay Errol Spence na orihinal na kalaban ni Pacquiao matapos itong umatras dahil sa eye injury kamakailan lang.

Samantala, nakatakdang i-anunsyo ng pambansang kamao sa susunod na buwan ng Setyembre kung tatakbo ito sa pagkapresidente o hindi sa darating na eleksyon.

Ito sa pahayag ni Pacquiao matapos itong matalo sa laban nito sa Cuban boxing champion.

“I will make (an) announcement next month, am facing bigger problem, more difficult work than boxing. You know I want to help the people,” saad ni Pacquiao.

Gayunman, ang desisyon ito ay hindi magiging madali para kay Pacquiao dahil pinalitan na ito bilang pangulo ng PDP-Laban at nagpahiwatig ang ilang opisyal ng partido na hindi ito i-endorso bilang kanilang presidential candidate.

Una nang isinusulong ng PDP-Laban ang Go-Duterte tandem para sa 2022 elections.

More in Breaking News

Latest News

To Top