Connect with us

Manny Pacquiao, itinakbo umano ang P100-M ng Paradigm Sports – Joson

Ipinaliwanag ni Jayke Joson ang rason kung bakit nagkalabuan ang pagkakaibigan nila ni Manny Pacquiao.

National News

Manny Pacquiao, itinakbo umano ang P100-M ng Paradigm Sports – Joson

Ipinaliwanag ni Jayke Joson ang rason kung bakit nagkalabuan ang pagkakaibigan nila ni Manny Pacquiao.

Si Jayke Joson ay isang TV producer, aktor, business agent at dating special assistant ni Pacquiao.

Sa isang eksklusibong panayam ng SMNI News, sa unang pagkakataon ay nagpalabas si Jayke Joson ng kanyang sentemyento laban sa boksingero at itinuring niyang matalik na kaibigan.

“ Kahit sino naman sigurong tatanungin nyo mahihirapang dibdibin, kung sa aming dikit nyang mga kaibigan nagawa nya ‘yun, what more sa ibang tao. Masakit na masakit.”

Si Jayke ay kasama ni Arnold Vegafria na business manager ni Pacquiao  pagdating sa pagkuha ng endorsement at maghanap ng mga business opportunity para sa boksingero.

Aniya, ang tanging hangarin lamang nila ay mabigyan si Pacquiao ng malaking retirement income para kahit hindi na siya mag boxing ay maging  forlife na maayos ang buhay nito kasama ang kanyang  pamilya.

Ayon kay Jayke na kilalang anino ni Pacquiao, pumait ang kanilang samahan bago ang naging huling laban ni Pacquiao kay Yordenis Ugas noong Aug 23, 2021 sa Las Vegas, Nevada, USA  kung saan natalo ito via unanimous decision .

Kwento pa ni Joson, una ay pumirma si Pacquiao sa Paradigm Sports Management na kalabanin nito si Mickey Garcia sa Dubai kung saan nakiusap siya kay Arnold Vegafria para humingi ng advance payment na 2 milyong dolyar o katumbas ng P100 million sa Paradigm.

Cash naman aniya na tinanggap ni Pacquiao ang 2M $ sa bahay nito sa General Santos City.

Sa kabila nito ay pinadadagdagan pa rin ni Pacquiao ng P2 milyon, ngunit  hindi na ito sinang-ayunan ng Paradigm Sports.

Ngunit kwento pa ni Joson, para lang pagbigyan muli ang hiling ng boksingero, nagbigay sila ng 1.3-M $ o P65 million mula sa sariling bulsa at nakiusap pa sila kay Pacquiao dahil ‘yun lamang ang kaya nilang maibigay ngayong panahon ng pandemya.

Sa kabuuan, 3.3M $ o P165 million na ang nasa kamay ni Pacquiao.

Pero sa ‘di inaasahan ay iba ang naging kilos ni Pacquiao, “Nabigay namin ang pera, nagkasanla-sanla po kami, nakuha niya ang pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami. ‘Di niya sinunod ang kontrata, ‘di niya sinunod ang usapan namin, para bang ‘yung pagkakaibigan namin ng napakahabang panahon ay nabalewala.”

Ani Joson, binigyan nila ng pagkakataon si Pacquiao na itama ang pagkakamali pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

“Dapat i-correct niya kung ang puso niya ay pure at gusto niya na maging maayos ang samahan, eh hanggang ngayon ay parang nakalimutan na, na para bang entitled siya na gawin sa amin ‘yun. Na porket siya si Manny Pacquiao at kami ay Jayke Joson at Arnold Vegafria lang.”

“So kayo na lang ang maghusga kung dapat ba kaming manatili o dapat ba akong mawala?”

Samantala, kaugnay nito ay nilinaw naman ni Jayke Joson na walang kaugnayan kay Manny Paquiao ang Frontliners Partylist.

Matatandaan na sa nakaraang linggo ay nag file ng kanyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) si Jayke bilang first nominee ng Frontliners Partylist.

Aniya, “ Sa boxing ang pinaglalaban ni Senator Pacquiao doon ay hanapbuhay, pero dito sa mga frontliners, ang ginagawa dito ay sumagip ng buhay. Malayong malayo po silang dalawa.”

Ang Frontliners Partylist ay may layuning isulong ang ikabubuti para sa kapakanan ng mga frontliners, lalo na ang mga nars at doktor.

Sakaling mailuklok sa Kamara, sinabi ni Joson na ipapanukala nito ang pagtatanggal sa “no work no pay policy” at pag doble sa hazard pay para sa mga frontliners na nabibiktima din ng pandemya.

More in National News

Latest News

To Top