Connect with us

Manny Pacquiao, delikado kung kakalabanin pa si Errol Spence

Delikado na si Filipino Champ Manny Pacquiao kung kakalabanin pa nito si American boxer Errol Spence Jr.

National News

Manny Pacquiao, delikado kung kakalabanin pa si Errol Spence

Delikado na si Filipino Champ Manny Pacquiao kung kakalabanin pa nito si American boxer Errol Spence Jr.

Ito ang pananaw ng sports analyst na si Randy Caluag sa panayam ng Sonshine Radio.

“Kung sinasabi natin na ito ‘yung galaw parin ni Manny (Pacquiao) na kung ilalaban kay (Errol) Spence, medyo delikado nga even sa knockout, no. Lagi kasing tinitingnan natin ‘yung- ng mga analyst ‘yung Manny of Old, hindi Manny the Old Man,” saad ni Caluag.

Ito’y kasunod ng pagkatalo ni Pacquiao via unanimous decision laban kay Cuban boxing champion Yordenis Ugas na naging kapalit ni Spence nang umatras ito sa laban nila ni Pacquiao ilang araw bago ang itinakdang petsa ng laro dahil sa eye injury.

Ayon kay Caluag, maaari ring hindi na umubra ang dating conditioning regimen ni Pacquiao dahil sa edad nya.

Posible rin aniyang nakaaapekto sa 47-anyos na pambansang kamao ang biglaang pagpapalit ng kalaban.

Paliwanag ni Caluag, isang malaking hamon para kay Pacquiao ang pagpapalit ng kalaban dahil para sa mas epektibong paghahanda ay umaabot ng hanggang tatlong buwan ang kailangang gawing pag-eensayo at pag-oobserba sa mga galaw ng kalaban.

Dagdag pa ni Caluag, masyadong maraming priorities si Pacquiao kaya’t hindi na ito masyadong nakakapokus sa pagbo-boxing.

Samantala, pinuri at tinawag naman ni Caluag na ‘rising star’ si Mark Magsayo, ang undercard game ng larong Pacquiao-Ugas, matapos nai-knock out nito ang kalabang si Julio Ceja ng Mexico.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top