COVID-19 patient na tumakas, natagpuan na

Manila RTC, isinara matapos nagpositibo ng COVID-19 ang isang piskal

Metro News

Pansamantalang isinara ang Old Ombudsman building na kinalalagyan ng Manila Regional Trial Court at Metropolitan Trial Court matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang isang public prosecutor doon.

Ang naturang lockdown o pagsasara ay magtatagal ng 14 na araw o magtatapos sa June 29.

Layunin ng lockdown na mabigyan ng sapat na panahon ang Manila City government na magsagawa ng disinfection at sanitation sa buong gusali.

Naglabas din ng memorandum si Executive Judge Carissa Anne Manook-Frondozo at inatasan ang lahat ng mga empleyado na nag-oopisina sa nasabing gusali na mag-self-quarantine muna para maiwasan ang pakikisalamuha sa publiko.

Samantala habang naka-lockdown ay magpapatuloy pa rin ang mga pagdinig sa mga hukuman sa pamamagitan ng video teleconferencing habang ang mga pleadings o paghahain ng mga kaso o mga apela ay tatanggapin naman sa pamamagitan ng online.