Connect with us

Manila Mayor Moreno, pormal nang inanunsyo ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo

Manila Mayor Moreno, pormal nang inanunsyo ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo

Metro News

Manila Mayor Moreno, pormal nang inanunsyo ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo

Pormal nang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 election.

Running mate naman ng alkalde si Dr. Willie Ong para sa pagkabise presidente.

Matatandaang matagal nang lumutang ang pangalan ni Moreno na posibleng tumakbo sa pagkapangulo dahil sa kanyang track record bilang Manila Mayor.

Base rin sa Pulse Asia Survey na inilabas noong Hulyo, pangalawa ang alkalde sa pinagpipilian na maging sunod na pangulo ng bansa, sumunod kay Presidential Daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Tiyak nang makakalaban nina Moreno at Ong sina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto na una nang nag-anunsyo ng kanilang kandidatura.

More in Metro News

Latest News

To Top