Connect with us

Manila City, magpapatuloy sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa publiko

Hindi umaasa ang Manila Local Government sa Philippine Red Cross  (PRC) kahit dati pa.

Metro News

Manila City, magpapatuloy sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa publiko

Hindi umaasa ang Manila Local Government sa Philippine Red Cross  (PRC) kahit dati pa.

Ito ang ibinahagi ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa panayam ng Sonshine Radio.

Kaugnay ito sa usapin kung apektado ba sila sa pagtigil ng PRC sa pagsasagawa ng COVID-19 testing dahil sa daming utang umano ng PhilHealth sa kanila.

Ikinalungkot naman aniya ni Moreno ang pagtigil ng PRC sa pagtulong para masugpo ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa huli, nagpasalamat si Mayor Isko sa patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa buong lungsod at magpapatuloy parin aniya sila sa pag-asiste ng lahat ng nangangailangan kahit pa tumigil ang PRC sa pagsagawa ng COVID-19 tests.

Kaugnay nito, sa patuloy na paghahanda ng Manila City Government sa pagharap sa COVID -19 ngayong linggo ay 2 panibagong quarantine facilities ang binuksan sa lungsod.

Ngayong umaga ay pormal na pinasinayaan ang ika-14 na quarantine facility ng Manila City na matatagpuan sa pamantasan sa Lungsod ng Maynila.

Pinangunahan naman ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna Pangan ang pagpapasinaya sa naturang pasilidad.

Kahapon ay pinasinayaan din ng Manila LGU ang ika-13 quarantine facility ng lungsod sa may San Andres Sports Complex na may 54 bed capacity.

Sa kabuuan ang Lungsod ng Maynila ay may halos 600 na bed capacity sa 14 na quarantine facilities.

More in Metro News

Latest News

To Top